Actor-director Ricky Rivero, pumanaw na

BINAWIAN ng buhay kahapon si Ricky Rivero, sa edad na 51, dating teen star, TV at movie director.


Ito ay kinumpirma ng kanyang tiyo na si Phillip Salvador sa Philippine Entertainment Portal.
Noong nakaraang Mayo, na-stroke si Ricky at naratay sa Philippine Heart Center (PHC), Quezon
City. Nag-birthday siya rito noong Mayo 7, kasabay nang pagbibigay ng update sa social media
tungkol sa kanyang kundisyon.


“Slightly paralisado pa rin (ang) kaliwang bahagi ng katawan ko at di pa ako nakakalakad,” ani
Ricky.


Unang naospital si Ricky sa PHC noong Agosto 2015 dahil sa heart attack. Agad siyang isinailalim
sa angioplasty procedure.


Ang angioplasty ay isang operasyon sa puso para paluwangin ang blood vessels o mga ugat sa
puso na sumikip (sa loob) dahil sa taba at cholesterol.


Sumikat si Ricky sa That’s Entertainment ni German Moreno sa GMA-7, mula Enero 1986 – Mayo
1996.


Ilan sa mga showbiz projects ni Ricky ay The Amazing Praybeyt Benjamin, assistant director (AD),
2014; Maalaala Mo Kaya TV Series, AD, one episode, 2013; Rosaryo, AD, 2013; Kahit puso’y
masugatan TV Series, second unit director, 150 episodes, 2012, 2013; at Sa Paghilom ng mga
Sugat, Sino ang Tuluyang Magpapaalam?, second unit director, 2013.


Ibuburol ang mga labi ni Ricky sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Ave., Quezon City;
ipapa-cremate siya pagkatapos ng apat na araw na paglalamay.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...