Alden, hindi pupunta sa kasalang Arjo-Maine?

TINIYAK ng ilang Aldub fans na hindi pupunta si Alden Richards sa kasalang Arjo Atayde at Maine Mendoza, ayon sa isang post sa social media.


Tanging si Alden lamang ang makapagsasabi kung pupunta siya o hindi sa kasal.


Iginigigiit ng ilang Aldub fans na hinding-hindi matutuloy ang Arjo-Maine nuptials dahil kasal na raw sina Maine at Alden noon pa, at may mga anak na sila. Kung sakaling matutuloy ito, hindi raw tunay na Maine ang pakakasalan ni Arjo kundi isang clone.


Bilang preparasyon sa kasal, personal na pinuntahan nina Maine at Arjo sina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon para gawing ninong.


“Hindi naman siguro kukunin ng dalawa si Vice Ganda para maging bridesmaid,” pagbibiro ng isang vlogger na ayaw magpabanggit ng pangalan.


Malalaman ang iba pang kasama sa wedding entourage ng Atayde at Mendoza nuptial sa mga susunod na araw .

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...