SINABI ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang 71 nitong mga sasakyan na na binanggit ng Commission on Audit (CoA) 2022 report na “hindi rehistrado” ay hindi na ginagamit at “beyond repair”.
Sa isang opisyal na pahayag noong Martes, sinabi ni Acting MMDA Chair Don Artes na lahat ng mga sasakyan na binanggit sa CoA report ay ide-dispatsa na.
Mahaba ang disposal process at kinukuha muna namin ang mga piyesang mapapakinabangan pa
para magamit sa umaandar naming mga sasakyan, ani Artes.
Bilang isa sa mga ahensya ng gobyerno na nagpapatupad ng traffic rules, dapat magsilbing role model ang MMDA sa mahigpit na pagsunod sa regulasyon ng Land Transportation Office (LTO) tungkol sa motor vehicle registration, pagtatapos ng report.